Hindi pa naman talaga tulog si Asia. Iyak lang siya nang iyak ng mga sandaling iyon. Kinukuyog na naman siya ng konsensya. Naguguluhan din siya sa sarili. Hindi niya alam ang gagawin. Bakit kasi sa daming taong makakaalam ng secreto niya, bakit si Inés pa? Bakit ang babaeng karibal niya kaya Callen? Obvious naman na bina-blackmail siya nito. Kailangan niya bang isuko si Callen para sa ikatahimik nito? Pero parang hindi niya kaya. Sanay na sanay na siya sa presensya ng nobyo. Sanay na sanay na rin ang katawan niya sa ka-sweet-an nito. Ilang oras pa siyang nag-isip at nagkulong sa silid ni Callen. At sa ilang oras na iyon, inimagine niyang wala na si Callen sa buhay niya, hindi niya kaya. Nasasaktan na nga siya sa isiping girlfriend noon nito si Inés, ngayon pa kayang hulog na hulog na si