Agad na napatay ni Harold ang isa sa miyembro ng bandido na nakasunod sa kanila na siyang nakabaril kay Henry. Dinaluhan niya ang kanyang Tito Henry na ngayo'y nakahandusay na sa damuhan habang nakadagan na pabalagbag dito si Carmela na noo'y pinipilit na kumilos para makaalis sa ibabaw ni Henry. " Tito! Tito lakasan mo ang loob mo!" umiiyak na niyang sabi. Binuhat niya si Carmela at maingat na inilapag sa tabi nito. Si Naomi naman ay walang tigil sa pag-iyak. " Ate Carmela! Henry! Lumaban kayo..... Diyos ko! Tulungan nyo po kami!" sabi naman ni Naomi na halos hindi na magkamayaw sa pag-iyak. Iniangat ni Harold ang ulo ng tiyuin na noo'y hirap na hirap dahil sa tama ng bala na nasa may may likuran nito. Marami na rin ang dugo na nawala mula dito dahil hindi naman niya alam kung