Natanaw ni Carmela ang taxi na nagpark sa tapat ng gate. Sinabi niya sa driver nila na salubungin si Naomi at tulungan na buhatin ang mga gamit nito. Kanina matapos tumawag ni Henry,pinaayos na rin niya ang isang bakanteng kwarto sa ibaba para doon na ito tumuloy. Ilang sandali lamang nasa harapan na niya ito. " Pasensya na po Ate, may nangyari lang po kasi sa bahay na tinitirhan ko." nahihiyang sabi nito sa kanya. " Okey lang yon Naomi, naiintindihan ko naman. Tsaka pinaliwanag na rin sakin kanina ni Henry. Lika pasok ka,ipapakita ko sayo iyong magiging kwarto mo. " nakangiti niyang sabi dito. Ngumiti ito tsaka sumunod sa kanya. Sinamahan niya ito sa kwarto. " Dito ang magiging kwarto mo Naomi, uhmm, pasensya na kung hindi kalakihan itong room ha. Iyon kasing ibang room hind