Chapter 60 "Nandito po ba si Jaira?" Humahangos na tanong ni Jacob sa isang katulong na nakasalubong niya. Hindi na nga niya naisarado ang pinto ng kanyang kotse pagkababa niya sa tapat ng kanilang mansyon Umaasa siya na dito dumiretso ang asawa niya. Panigurado nagseselos ito ng husto sa naabutan nitong eksena sa pagitan nilang dalawa ni Bianca sa loob ng kanyang pribadong opisina Masakit parin ang ulo niya dahil sa pagbabalik ng kanyang memorya. Kailangan lang pala niyang makipagkarera sa kalsada upang manumbalik ang kanyang mga ala-ala. Daig niya pa ang bida sa fast and furious movie dahil sa bilis ng pakikipagkarerahan niya sa kalsada "Oho Sir. Naroon po dumiretso sa hardin" Nakahinga siya ng maayos dahil sa sinabi ng kanilang katulong. "Thank you manang" Tinapik niya pa ang bali