Chapter 44 "Tabi tabi tayo?" Nais matawa ni Jaira sa reaksyon ni Jacob nang sabihin ni Jayjay at Jeyjey na tabi tabi daw silang matulog Kakatapos lamang ng kasal nila. Kung pagod lang ang pag-uusapan ay talaga namang pagod na pagod sila. Pati na rin ang mga bata. Dumiretso muna sila sa isang hotel na pagmamay-ari mismo ni Jacob kung saan ginanap ang reception ng kanilang kasal. Hindi pa daw kasi tapos ang pinapa-ayos nitong bagong house and lot na nabili nito. Pansamantala muna silang magpapahinga sa hotel kung saan doon na rin sila natulog kagabi dahil doon siya inayusan ng mga makeup-artist kaninang umaga para sa kasal nila ni Jacob "Opo daddy. Palagi po kami magkakatabi matulog nila mommy eh" Napapanguso pa ang anak niyang si Jayjay dahil nagrereklamo ito kay Jacob kung bakit magka