Chapter 49 JACOB POV Sinesenyasan siya ni Cody habang umiiyak parin si Chuchay. Para bang sinasabi ng pinsan niya na yakapin niya ito ng mahigpit. Umiling siya at suplado niya itong kinunotan ng nuo. First time niyang mangyakap ng babae kaya hindi siya sanay sa ganito. Kuntodo sa pag-acting si Cody at minuwestra pa nito sa pamamagitan ng pagyakap nito kay Calix. Game na game naman si Calix na yumakap kay Cody na para bang ginagaya nito ang babaeng nakayakap sakanya habang umiiyak pa. Nais niyang matawa sa mga pinag-gagawa ng mga pinsan niya ngunit pinigilan niya. Nang-gigigil na itinaas ni Cody ang kamao nito sakanya. Pinagbabantaan pa yata siya ng kanyang pinsan na susuntukin siya nito kapag hindi niya ginawa ang inuutos nito Anong klaseng yakap pa ba ang gusto ng mga pinsan niya