Chapter 17 Tinatambol ang puso ni Jaira habang papalapit siya sa kinatatayuan ni Jacob. Nakasandal ito sa kotse nito habang nakatanaw sakanya. Nag text ito sakanya na doon na ito maghihintay sa kanto ng eskenita. Sira daw kasi ang parking post machine doon kaya't hindi nito maiwan ang kotse. "H-Hi Jacob" Ackward siyang ngumiti bago siya huminto sa mismong kinatatayuan nito. Saglit nitong pinasadahan ng tingin ang kabuoan niya. Mula sa kanyang nakalugay na mahabang buhok. Sa kanyang magandang mukha na pinahiran niya ng kaunting makeup upang hindi siya maging maputla. Lip tint lang at kaunting blush cream ang ginamit niya. Makinis naman ang kanyang mukha kaya't hindi na niya kinakailangan pang mag pahid ng foundation powder dahil wala naman blemishes ang balat niya Bahagyang napakunot