Chapter 20 Naka-ilang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Jaira bago niya sinubukan buksan ang pinto ng banyo. Naroon siya kanina pa at hindi siya makalabas nang hindi siya kinakabahan. "Relax Jaira.. Relax" Pag-kausap niya sa kanyang sarili. Hindi parin kasi niya mapihit ang seradura ng pinto. Kinakabahan siya sa maaaring mangyari sakanila ni Jacob Hinihintay na siguro siya ng binata sa bedroom nito. Halos kalahating oras na siyang naroon sa loob ng banyo kaya't paniguradong naiinip na si Jacob sa paghihintay sakanya Binigyan siya nito ng isang plain white tshirt. Palitan nalang daw niya ang kanyang damit dahil nabasa kanina habang naghuhugas siya ng mga plato na pinagkainan nila Imbis na magpalit lang ng damit ay pinili niyang makiligo pa sa loob ng banyo nito at naki-sipilyo pa