Chapter 58 Nagpatuloy ang pagpabalik tanaw ni Jacob sa nakaraan habang payapang natutulog ang kanyang asawa sa kanyang bisig Unti-unti niyang natatagpuan ang kanyang sarili na napapangiti sa nakaraan nilang dalawa ni Chuchay. It all makes sense right now. Kaya siguro nakaraan lamang ang naaalala niya sa ngayon upang mapagnilayan niya ang tunay niyang damdamin para sa dalagitang si Chuchay noon. Masyado siyang nagfocus sa damdamin niya para kay Bianca at hindi man lang niyang nabigyan kahulugan ang mga kakaibang kinikilos niya noon sa tuwing summer na naroon si Chuchay sa kanilang mansyon. Flashback.. "Gutom na kami Jacob. Sana nagluto si Aling Conching ng puto. Mas masarap yun kaysa sa siopao na niluto niya samin nung nakaraan eh. Masyadong matamis yung sauce eh" "Yeah. I like puto b