Chapter 51 "Bakit nakabusangot ka diyan?" Saglit niyang tinapunan ng walang ganang tingin ang kaibigan niyang si Mayla. Hindi niya napansin na nakapasok na ito sa loob ng kanyang opisina. In her private office. Tuwing monday wednesday at Friday ay doon sila sa head office ng Queen Salon nagtatrabaho. Tuwing Tuesday at Thursday naman ay nag iikot sila sa ibat-ibang branches nila "Si Jacob kasi.." Napapabuntong hininga niyang sambit kaya napataas ang kilay ni Mayla at nasabik itong marinig ang ikukwento nya. Umupo pa ito sa upuan na nakaharap sa kanyang office table "Oh what happened?" Usisera nitong tanong sakanya Muli siyang napabuntong hininga "Tatlong linggo na niya akong iniiwasan sa loob ng bahay namin. Kakausapin niya lang ako kapag kakain na kami. Tapos sa gabi para siyang na