Chapter 35 JAIRA POV Kapwa sila tahimik ni Calix. Nakaupo ito sa driver seat samantalang sa passenger seat naman siya. Naluluha siya habang naririnig niya ang mahinang paghikbi ni Jacob. Habang yakap nito ang dalawa niyang anak sa likod ng kotseng sinasakyan nila parepareho. "Mister bakit po kanina pa kayo iyak ng iyak?" Nalulungkot ang boses ng kanyang anak habang pinupunasan nito ang luha na dumadaloy sa pisngi ni Jacob "Masaya lang ako.. I'm just so happy to meet you and Jayjay" Sagot ni Jacob kay Jeyjey. Napapahikbi pa ito habang paputol-putol ang pananalita Hinayaan lang ni Jaira na mayakap nito ang mga bata sa unang pagkakataon. Nang makita niya kasi kanina ang reaksyon ni Jacob sa muli nilang pagkikita nila ay nahabag siya. Awang awa siya sa itsura nito na para bang pinagbagsak