Hapon na ng makabalik sila sa Maynila. Sa mansion na sila tumuloy para na din makausap nila ang magulang ni Keane tungkol sa magiging kasal nila. Hindi na muna nila ipinaalam sa magulang nya ang magaganap na kasal nila. Ayaw din nyang pati ang mga ito ay madamay sa pagpapanggap. Sina Vince at Allyson naman ay humiwalay sa kanila bago pa dumating ang magiging sasakyan nila. Pansin nyang parang may pagkakaintindihan na ang dalawa pag-alis nila sa probinsya. At sana maging maayos ang magiging relasyon ng mga ito hindi katulad ng sa kanya. She heaved a deep sigh when they reached the parking lot of the mansion. Nakaramdam sya ng kaba ng makababa sya ng sasakyan. Pero nawala yon ng hawakan sya sa kamay ng binata at hinila papasok sa loob. "Mom! Dad! We're here!" sigaw ni Keane ng makapasok s