Magkatulong na naglilinis si Keane at Alyana nang tumunog ang doorbell ng kanilang tinitirhan. Tinapos muna ni Alyana ang kanyang ginagawa at siya na ang nagbukas ng pinto dahil naglilinis pa ng sariling kwarto si Keane. Nagulat siya nang tumambad sa kanya ang ina ni Keane nang buksan niya ang pinto. Pinapasok niya ito at pinaupo bago umakyat sa kwarto ni Keane para tawagin ito at ipaalam na dumating si Mrs. Valiente. Pagbaba niya ay kasama na niya si Keane na naka-boxer short lang at nakasando. Sanay na siya sa binata kaya hindi na siya masyadong naiilang basta malayo ang pagitan nilang dalawa. "Kumusta ka na, hija? I heard everything about what happened sa school.." wika ng ina ni Keane na ikinatungo niya. Naalala na naman niya ang nangyari sa school nila at ang kasunduan nila ni