"Senyorito!?" gulat na bulalas ni Alyana ng may bigla na lang humila sa kanya mula kay Lance. Hindi nya akalain na susundan sya nito na kanina lang ay iniisip nya. At hindi nya rin inaasahan na kasama nito ang mga kaibigan nya. Labis syang naguluhan kung bakit parang galit ito habang nakatuon ang tingin sa kapatid. "Ate? Sino sila?" tanong ng kapatid nya. Kita naman nyang nagulat ang mga kaibigan nya at biglang nawala ang masamang timpla ni Keane. "K-kapatid mo?" tanong ni Keane sa kanya. "Oo. Siya nga pala ang boss at mga kaibigan ko Lance. Si Keane, Vince at Allyson. And guys this is Lance my younger brother." Pakilala niya sa lahat. Nakipag-kamay si Lance sa mga ito at ngumiti na lang kay Allyson. "Oh mga anak,nandyan na pala kayo. Halina kayo para mananghalian. Isama nyo na rin a