Pagsapit ng umaga, pilit na bumangon si Keane kahit na nakakaramdam ng hilo dahil sa epekto ng hangover. Wala na ang dalaga sa tabi niya nang magising siya kaya't wala pa siyang kamalay-malay sa nangyari last night. "Argh! f**k!" daing niya nang makaramdam ng sakit sa ulo. "Bakit ang sakit ng ulo ko?" nagtatakang tanong niya hanggang sa unti-unting bumalik sa isipan niya ang nangyari last night. Kung papano siya mabilis na nalasing sa ilang beer in can at kung papaano siya inalalayan ni Alyana papasok sa kwarto niya at napangiti na lang siya nang maalala ang pagbagsak nila sa kama at kung papaano niya nadaganan ito na naging dahilan nang paglalapat ng kanilang mga labi. Subalit kaagad din na nabura ang mga ngiti niya nang maalala niya ang huling tagpo na kung saan ay muntik na niyang