Chapter 37

1665 Words

Pagkalabas nila ng gate ay lumiko lang sila at pumasok ulit sa isa pang gate. Pagpasok nila ay isang medyo malapad na field ang kanilang nakita na may ilang bahay na nakatayo. Naghikap muna sila dahil sa maganda din naman ang kabuuan ng field. Mayroong parte na may mga tanim na namumulaklak at mayroon ding mga gulay. Mayroon ding mga puno ng mangga at iba't ibang puno na namumunga. Nasa pinakadulo ng village ang bahay nila kaya ang natitirang space sa likod ay madami ng mga puno na nagbibigay ng medyo malamig na simoy ng hangin. "Wow! Ang ganda pala rito. Tahimik na, malamig pa ang hangin na fresh pa," namamanghang wika ni Alyana sa paligid. "Yeah. Pero hindi mo masasabing tahimik lagi dito. Mayroong time na makakarinig ka ng kung ano-ano mostly pag gumabi na," nakangising wika ni Keane.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD