"K-kapatid mo s-sya?" hindi makapaniwalang anas ni Keane matapos marinig ang sinabi ni Alyana. Tuwa at hiya ang naramdaman nya ng tumango ito. Masyado lang pala syang nag overthinking sa pagiging close ng mga ito. At ang mali nya ay hindi nya muna inalam kung ano ang tunay na relasyon ng mga ito. "Oo. Hindi ko lang agad nasabi sayo dahil laging kapilyohan ang nasa isip mo pag free tayo para mag-usap. At lagi mo naman akong pinapagod kaya nawawala din sa isip ko..." he chuckled. Pinunasan nya ang luha nya at tumabi muli dito sa sofa. May ngiti na sya sa labi at hawak pa din nya ang kamay nito. "Pasensya na. Ang akala ko kasi nagpapanggap lang sya bilang Kenken... kaya ganun na lang ang inis ko pag magkasama kayong dalawa..." he frowned. Naalala nya kung papaano sya magselos pag nakaakbay

