Lumipas ng mabilis ang limang araw at dalawang araw na lang ang natitira para kay Keane. Naging masyadong abala sya sa kompanya dahil nagkaron ng major problem. At halos tatlong araw nya bago yon naresolba. Doble doble ang naging problema nya at idagdag pa ang tungkol sa isang Linggong tsansa nya to win Alyana back. Hindi naman sya makapagplano ng maayos dahil sobra syang napapagod sa kompanya tapos nakahanap si Alyana ng paraan para hindi nya ito laging maangkin. Ang tanging pag-asa nya na lang ay ang magbunga ang ginawa nyang pag-angkin dito para tuluyang mapunta ito sa kanya. Pero papaano kung hindi? Baka hindi pa sapat lahat ng mga naging effort nya para sya ang piliin nito sa halip na si Kenken. Sobra syang namomroblema dahil nauubusan na sya ng oras. And he thinks two days wasn't eno

