TWENTY: "That was just so fierce and so brave of you!" "SI Ofelia Madara 'yan 'diba?" Napatingin kami sa itinuro ni Caydie. Nakita naming naglalakad na rin palabas ng regional trial court si Ofelia. Katatapos lang ng ikalawang pandinig sa korte ngayong hapon at masasabi kong lumakas ang laban ng kabilang panig dahil sa nilabas nilang fake witness. Halatang sinalang muna ng mabuti at sinanay sa bawat mga sasabihin bago ipiniresenta sa korte kaya napakagaling magsinungaling at palabasing sina Fatima pa at yumaong asawa nito ang masama. "Ang walang utang na loob na babaeng 'yan!" puno ng hinanakit na ani Fatima at akmang susugurin na ang kakilala ngunit agad kong hinawakan sa braso para pigilan. "Kung magpapadala ka sa galit mo, wala ring mangyayari, Fatima, kaya kumalma ka lang. Ako na