THIRTY-NINE: "I've lusted for you, but I have never loved you!" PATAMAD kong binuksan ang kumakatok sa pinto ko isang hapon matapos ng ilang araw ng mga hindi kapani-paniwalang nangyari sa akin. Tumayo ako mula sa sofa at iniwan muna ang pinanunuod kong hollywood film sa cable tv. Ang buong akala ko'y si Daniel ito ngunit nagkamali ako dahil ang bumungad sa akin ay hindi ko kilala pero mukha ito mailman or delivery man. "Yes?" I asked him. "Ms. Scarlette Montano po, maam?" he asked me politely. Tumango ako. "Yes, I am Scarlette." "Delivery po para sa inyo, maam." Napakunot ang noo ko nang tinanggap ang inabot nitong parcel. Tiningnan ko ang information ng sender sa likod at nakitang nanggaling ito sa inaasahan kong magpapadala sa akin. Monteamor Law Firm. "Papirma nalang po ng r