THIRTY-THREE: "I really want him, so much of him and a whole of him!"-STRONG PARENTAL GUIDANCE IS ADVISED- ❕"ATTORNEY Montano, ipinatatawag ka ni Mr. President sa opisina niya." anang sekretarya ni Tyrone habang nasa kalagitnaan ako ng trabaho, isang araw matapos no'ng mga nangyari sa amin."Ha? Bakit daw?""Walang sinabi si sir eh basta ipinatatawag ka lang.""Ngayon na? As in now na talaga?""Opo, attorney."Tumango ako. "Sige, tatapusin ko nalang 'tong ginagawa ko tapos pupunta kaagad ako doon. Malapit na lang ito na matapos.""Sige basta dalian mo't dumiretso ka kaagad doon ha?""Yes, I will.""Pasok ka lang mamaya sa opisina niya, lalabas muna ako para kumain.""Okay. Thanks."Naglakad na palabas ang nasabing sekretarya samantalang ako nama'y dinalian na rin ang ginagawa sa desktop computer ko.