THIRTY: "I'll take all the charge." "SAAN na tayo pupunta ngayon?" tanong ko kay Tyrone nang makalabas kami ng cafeteria. "Sa'n mo gustong pumunta?" tanong niya pabalik. Ako? Hmmn... "Sa firm. Gusto ko nang bumalik sa opisina at magtrabaho lalo pa't marami pa akong mga babasahing dokumento." "Tss." he smirked. "I'm asking you to give you a chance to take a break even just for awhile, pero trabaho pa rin ang nasa isip mo kahit nandito tayo sa Plaza Park." Hindi ako nakapagsalita. Why would he give me a break when from the first place, hindi ko naman hiningi sa kanya 'yon? "Come on, Scar. Nandito na tayo. Let's just enjoy for awhile." Sabagay... "Alam ko na! May alam na akong puntahan natin na mag-e-enjoy tayo!" ngiti niya nang may maisip na ideya at hinila na lamang bigla ako sa ku