TWENTY-FOUR: "The man's honest, attorney." "NAGTRABAHO ka bilang kasambahay sa residente ng Milford. Tama ba, miss Cherish?" paunang tanong ng hukom nang makarating sa korte ang kaso para sa pinakaunang pandinig. Nasa harapan si Cherish at kasalukuyang isinasalang. Tumango siya. "Opo, your honor." "Maaari mo bang sabihin sa amin kung anong dahilan mo ng pagtatrabaho sa mansyon ng mga Milford?" "Nagbabakasakali po akong kapag nakapagtrabaho at nakapag-ipon, pwede na akong makapag-enroll sa kolehiyo kalaunan. Hindi po kasi ako kayang pag-aralin ng nanay ko dahil sa hirap ng buhay lalo pa't hindi rin sapat ang kita niya sa paextra-extrang paglalanbandera." "Nakailang buwan ka sa pagtatrabaho, hija, bago nangyari ang sinasabi mong panghahalay sayo?" "Limang buwan po halos, your honor."