TWENTY-SIX: "Traydor ka." "TOTOO bang nakipagrelasyon ka nga sa Travis Milford na 'yon, ha Cherish?!" galit at dismayado kong tanong sa dalagita nang matapos ang pangalawang hearing sa korte at ngayo'y naglalakad na kami palabas ng regional trial court. "Totoo po, attorney. Pasensya na po kung hindi ko agad sinabi sa inyo..." mahina at nakayukong sagot naman nito. "Alam mo bang sa ginawa mo't sa inamin mo ngayong araw, maaaring mapahamak tayo sa korte, ang kaso mo! Kita mo 'yon kanina? Lumakas na ngayon ang kaso ng kabilang panig!" patuloy ko sa paglilitanya. I didn't really expect things to turn like this, words to become as harsh as this. Well, oo no'ng una aaminin kong nagkakutob akong baka nga may relasyon ang dalawa, but I disregarded that, kasi naisip kong hindi aabot ang lahat s