Chapter Seventy MARAHAN kong sinuklay ang buhok ni Typhoeus sa harapan, medyo mahaba na ito kaya natatakpan na ang mga mata niya. “Mukha ka nang h*ntai protagonist,” natatawang sabi ko habang tinitingnan siya. Kadalasan kasing nakikita kong bida sa hanime na mga lalaki ay hindi na makita ang mga mata dahil natatakpan ng bangs, parang katulad ng hitsura niya ngayon. “Na sobrang hot,” dugtong ko at hinawi sa magkabilang gilid ang buhok niya sa harapan. Namumungay na mga mata naman niya akong tiningnan. “Kimii-ga hoshii…” Biglang nag-init ang mukha ko sa sobrang sexy ng pagkakasabi niya. Alam ko rin ang meaning ng linya na ’yon. ‘I want you’ ang ibig sabihin nito. Napatikhim ako. Inayos ko ulit ang buhok niya at inipit pataas. “Ang cute mo!” Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya