Chapter Twenty Four Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at nilibot ang tingin sa buong paligid. Nasa kuwarto na pala ako ngayon. Napahawak ako sa aking noo nang maramdaman ang malamig na nakatapal dito. Mukhang cooling patch ito. “Ano’ng nangyari?” tanong ko sa sarili. Ang naaalala ko, bigla na lang akong natumba kay Sir Tyger kanina. Hindi na kasi talaga maganda ang pakiramdam ko, katawan ko na ang kusang bumagsak. Pagkatapos ay hindi ko na alam kung ano ang mga sumunod na nangyari. Suminghot ako at napaubo. Inangat ko ang tingin sa wall clock para tingnan kung anong oras na. Nanlaki ang mga mata ko nang makita na alas-kuwatro na pala ng hapon. Ibig sabihin, matagal akong tulog. Puwinersa ko ang sarili na bumangon at tumayo. Medyo nahihilo pa ako pero pipilitin ko pa ring ma