Chapter Thirty One Dismayado kong inilahad ang panty sa tapat ni Sir Tyger dito sa kuwarto niya. Pabagsak naman siyang humiga sa kama, huminga siya nang malalim at tumitig sa kisame. “Muntik na ’yon,” saad niya na tila nakahinga na nang maluwag. Ibinalik niya ang tingin sa kulay pulang panty na hawak ko. Bumangon ulit siya at kinuha na ito. “I’m sorry, Miss Aina. Dinamay pa kita,” puno ng sensiridad na sabi niya. “Sir… bakit hindi mo na lang po sabihin ang totoo?” tanong ko. Ibinaba niya ang tingin at mapait na ngumiti. “Mahirap. Hindi pa ako handa, Miss Aina. At natatakot ako na baka hindi nila ako matanggap.” “Hindi po ba mas mahirap kung palaging tinatago? At saka pamilya mo po sila, imposibleng hindi ka nila tanggapin,” saad ko. Nanatili akong nakatingin sa kanya para hintayin