Chapter Forty Two Natapos na ang paglilinis ko sa hardin at oras naman ngayon para pakainin ang mga alaga ni Sir Tyran. Napaupo ako at inabot ang lalagyan ng pagkain nina Mingming at Ningning. Nakabantay naman sila sa mga karneng inilalagay ko. “Gutom na ba ang mga naglalakihan naming kuting?” tanong ko sa kanila. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil nakakatuwang tingnan ang maaamo nilang mukha na nakatingin sa akin. Nagpapa-cute talaga sila. Parang noon lang, takot na takot pa ako sa kanila, pero ngayon ay kaya ko na silang hawakan. Nagagawa ko ring makipagkulitan sa kanila minsan. Kuwinento ni Sir Tydeus na baby pa lang sina Mingming at Ningning nang alagaan ni Sir Tyran. Noong una ay hindi pumayag si Mr. Montero dahil mahigpit na ipinagbabawal ang pag-aalaga ng wild animals dito, p