Chapter Fifty Nine “S-Sir Tymon?” gulat na tanong ko. “M-magpapaliwanag ako,” natatarantang sabi niya sa kanyang normal na boses. Nanatili akong nakatingin sa kanya na bakas sa mukha ang pagkabigla. Hindi pa rin ako makapaniwala. Ginaya niya si Typhoeus at nagkunwaring minamalat para hindi siya mahalata. Ang gulat na reaksyon ko ay agad na napalitan ng galit. “Ano ’tong ginagawa mo?!” “Mama, k-kumalma ka,” mahinahon na pagpigil niya sa akin. Imbis na huminahon ay lalo pang nag-init ang dugo ko. “Seryoso ka ba, Sir? Paano ako kakalma? Niloko mo ako!” inis na sabi ko at umiiling na napasapo ng noo. Jusko! Hindi ko inaasahan na aabot siya sa ganito. Kung hindi titingnan nang mabuti, hindi agad siya mahahalata dahil sa kulay ng contact lenses niya, pati ang pananamit ni Typhoeus a