Chapter Seventy Nine Nagkatinginan silang dalawa ni Typhoeus nang seryoso. “Come in,” malamig na sabi ni Typhoeus sa kanya. Pumasok na siya sa loob at lumapit sa mga kakambal. Dumiretso sila sa direksyon ng sala, pagkatapos ay humanap ng kanya-kanyang puwesto. “Kumusta, Sir Tymon?” tanong ko sa kanya. Bahagya siyang napangiti. “Still alive.” “Mabuti naman po. Masaya po ako na nakabalik ka na,” nakangiting sabi ko. “Na-miss mo ba ako?” pabirong tanong niya. “Oh? Sa harapan pa talaga ni Typhoeus?” nakangising sabi Sir Tyran sa tabi niya. Napaangat ako ng tingin kay Typhoeus. Madilim ang kanyang mukha at umiigting ang panga habang nakatingin kay Sir Tymon. Hinawakan ko ang kanyang kamay, hinigpitan ko ito para mapunta sa akin ang kanyang atensyon. Sinilip naman niya ako ng tingin.