Chapter Fifty Isinuot ko na ang aking damit at inayos ang sarili. Nang matapos ako ay pumasok na ulit si Sir Typhoeus dito sa kuwarto niya. “Babalik na po ako, Sir Typhoeus,” nakayukong paalam ko. “Sandali,” pagpigil niya. “Magpahinga ka muna rito. Mamaya ka na umalis.” “Pero kailangan ko na pong magtrabaho. At baka hinahanap na rin po ako nina Manang Laura at Mikay.” Umakma akong aalis pero hinawakan niya ang kamay ko. “Kinausap ko na sila kanina habang natutulog ka. Sinabi ko na may pinapagawa ako sa ’yo,” aniya. “Pero—” “Please, Aina,” sambit niya habang nakatingin sa akin. Malalim akong napabuntonghininga at ibinaba ang tingin sa kamay niya. Tipid akong ngumiti at tumango. “Sige po, Sir.” Napangiti rin siya. Pinaupo niya na ako sa kama at kinuha ang tray ng pagkain na dala