Chapter Thirty Seven NABUHAYAN ako ng loob nang magising na si Sir Tymon sa hospital. Kanina pa kami nag-aalala mula nang dalhin namin siya rito. Ilang oras ding taranta ang mga kakambal niya at minu-minutong nagtatawag ng nurse para i-check siya. Sobra talaga silang nag-aalala. “I don’t think it is hell,” wika ni Sir Tymon habang nakatingin sa puting kisame. “Unfortunately, you are still alive,” walang emosyong saad ni Sir Typhoeus. “Sir Tymon!” Dali-dali akong lumapit sa kanya dahil sa sobrang tuwa. Tumingin siya sa akin at tipid na ngumiti. “Thank you, Mama.” “Mabuti gising ka na. Tatawagin ko lang si Doc,” sabi naman ni Sir Tydeus. Tumayo na siya at naglakad palabas. Hindi ko maiwasang mapatingin sa leeg niya na tinadtad ng hickey marks. Binulabog ko ang kuwarto niya kanina