Chapter Eighty Four “A-ahm—” putol na sambit ko. Gustuhin ko mang sumagot pero hindi ko alam ang sasabihin ko, walang ni isang salita ang gustong lumabas sa aking bibig, para din ako na-freeze sa aking kinatatayuan, ang bilis din ng t***k ng puso ko sa sobrang kaba. Sinilip ko ng tingin si Typhoeus. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya dahil nananatili lang siyang tahimik. Ang mga kakambal niya naman ay bakas pa rin sa mukha ang magkahalong gulat at kaba na parang wala ring balak umimik. “A-ako po ay—” “S-she’s…” rinig kong panimula ni Typhoeus. “She’s our friend,” nakangiting dugtong Tydeus sa tabi niya. Napalingon din sa kanya ang iba na may halong gulat. “Oh, I see. Kaya rin pala parang nakita na ko siya sa mansyon,” sabi ni Don Montero at tumingin ulit sa direksyo