Chapter 15 Daig pa ni Aliah ang isang ninja spy sa kanyang pag-iingat papunta sa parking lot ng Gong Shing electronics. Natatakot kasi siya na may empleyadong makakakita sakanya patungo doon Iniingatan niyang huwag sila machismis ni Song-Jin dahil panigurado magiging kahina-hinala sila kung sakaling may empleyadong makakakita sakanila Kinakabahan siyang nagpalingon-lingon sa palagid. Bago siya lumalad muli at magtago sa isang pader. Lalakad muli at magtatago nanaman sa tuwing may paparating na empleyado Napahawak si Aliah sa kanyang dibdib dahil kamuntikan na niyang makasalubong si Mrs. Dong wei. Panigurado magtataka na ito kung anong ginagawa niya sa palapag na iyon. Mabuti nalang at nakalagpas na ito sakanya at hindi siya nito napansin. Dahan dahan siyang muli sa paglakad at paling