Chapter 17 "Where have you been Ms.Santos?" Nakataas ng kaunti ang kilay ni Mrs.Dong wei ng makasalubong niya ito sa hall way papunta sa coffee room. Kinabahan siya at mabilis siyang nag-isip ng kanyang ipapalusot. Hindi niya maaring aminin dito na kumain siya ng lunch with President Song-Jin at nanuod pa sila ng sine! Pabalik palang sana si Aliah sa coffee room upang ipagpatuloy ang kaniyang trabaho dahil tutal mag-aalas kwatro palang ng hapon. Ala-sais pa ang uwian nila. Nag-paalam kasi si Song-Jin sakanya matapos silang manuod ng sine dahil pinuntahan ito mismo ng secretary nito sa labas ng sinehan upang sabihin dito na mayroon itong importanteng gagawin. Mukhang urgent ang dahilan kaya napilitan nalang si Song-Jin na bumalik sila sa kumpanya nito Tumangi siya na makisabay kay Song