Chapter 41 "Ang haba ng nguso mo mare" Napabuntong hininga si Aliah habang nakatanaw siya sa labas ng bintana ng bus. Kasalukuyan silang papunta sa batangas kasama ang mga guro, magulang at mga studyante ng daycare center. Ngayon gaganapin ang pagdiriwang ng ika-sampung anibersaryo ng paaralan. Libre ang lahat ng kanilang expenses mula sa tranportasyon, pagkain at akomodasiyon nila sa batangas. Ang lahat ng mga tao sa bus na iyon ay talaga namang sabik na sabik at masayang masaya bukod sakanilang dalawa ni Jinso. Nakanguso rin ito katulad niya. Dahil hindi sumipot si Song-Jin ng araw na iyon. Labis ang pagkadismaya nilang dalawa ng kanyang anak Sabik na sabik pa naman siyang makasama ito dahil balak na niyang bigyan ito ng isa pang pagkakataon "Hay nako mare huwag kana malungkot d