Chapter 11 "Naku naman!" Nag-aalalang napatingin si Aliah sa kanyang rubber shoes. Kararating lang niya sa building na pagmamay-ari ni Song-Jin. Isa lamang ito sa mga properties ng binata. Nasa kwarentang palapag ang mayroon ang gusaling iyon. Doon siya ihinatid ni Mr. Yei boi ang koreanong driver na nautusan ni Song-Jin na maghatid sakanya doon. Maaga kasing pumasok si Song-Jin sa kumpanya nito at hindi raw sila maaring magkasabay sa pag-pasok upang hindi maghinala ang mga empleyado doon na may ugnayan silang dalawa Napabuntong hininga si Aliah ng makita niya ang butas sa kanyang rubber shoes. Ngayon lang niya napansin na may butas na pala ang pinakaibabaw ng makutim-kutim na niyang rubber shoes. Kulay puti iyon noon ngunit ngayon ay makutim na. Nakakabas tuloy ang kanyang hinlalak