Chapter 35 "Mommy, daddy said he don't have a girlfriend. Pareho po kayong single" Napalunok tuloy ng kanyang kinakain si Aliah ng marinig niya ang sinabi ng kanyang anak. Kasalukuyan naghaharutan ang dalawa sa living room samantalang mag-isa siyang kumakain sa komedor. Pina-una niya kasing kumain ang mga ito kanina ng niluto niyang sinigang na baboy. Ayaw niyang makasabay sa hapagkainan ang lalakeng iyon. Kasabay nitong kumain si Jinson kanina habang nasa loob siya ng kanyang kwarto. Lumabas lamang siya ng makaramdam na siya ng gutom. Naabutan niyang nag-uusap at naglalambingan ang mag-ama sa living room nila Saglit siyang natigilan pagkakita niya kay Song-Jin at Jinso na naghaharutan. Kinikiliti ni Song-Jin ang anak nila na panay ang hagikgik sa tuwa. Halatang napakasaya ni Jinso sa