Chapter 20 Napapikit sa sarap ng niluto ni Song-Jin si Aliah ng matikman niya iyon Hindi pa man ito tapos magluto ay tinawag siya nito sa kusina upang ipatikim ang niluto nitong kare-kare "How is it?" Tanong ni Song-Jin sakanya habang hawak pa nito ang sandok na pinag-tikiman niya ng kare-kare "Kasing sarap mo! Este masarap!" Hindi niya napigilan sabihin iyon at parang nagkandabuhol buhol ang dila niya Paano ba naman kasi kanina niya pa ito pinagmamasdan habang nagluluto ito ng kare-kare. Hindi niya maiwasan mapahanga sa kumpyansa nito sa sarili habang nagluluto ito. Bawat galaw nito sa kusina ay parang isang professional chef. Mula sa paghiwa nito sa mga gulay at baboy na isinahog nito sa karekare ay halatang bihasa sa pagluluto. Lalo itong gumwapo sa kanyang paningin habang pinanun