Chapter 27 Maingay Magulo Mausok Maraming tao. Kanina pa nahihiya at hindi komportable si Aliah sa loob ng bar kung saan ginaganap ang birthday party ni Attorney Jacob. Kung paano siya nito napilit papuntahin sa ganitong lugar ay dahil lang iyon sa awa para sa binata. Naging kaibigan naman niya ito noong mga nakaraang araw kaya marapat lamang na pagbigyan niya ito sa pag-imbita nito sakanya. "Drink this Mika. C'mmon" Nakangiting alok sakanya ni Attorney Jacob. Marahan siyang umiling. Hindi siya iinom sa gabing iyon dahil natatakot siyang malasing wala pa naman siyang kasamang mga bodyguards ngayon dahil tinakasan niya lang ang mga ito Ayaw niya kasing malaman ni Song-Jin na narito siya sa birthday party ni Attorney. Nagtatampo rin siya kay Song-Jin dahil simula ng ipasundo siy