CHAPTER 49: Ayaw Ko. Todo ang pagkabog ng puso ko habang hinihintay ang sasabihin niya sa akin about proposal. Hindi magkamayaw ang isip ko sa kaiisip kung proposal ba para maging girlfriend ako ulit or baka ligawan niya ako ulit, hindi ko alam, basta ang alam ko, tuwang-tuwa ang puso ko ngayon. "Napalago mo ang branch ng business nyo sa U.S.A all by yourself sa loob lang ng limang taon and many admire you for doing that since you just graduated from college." Nangunot ang noo ko nang iyon ang ibinungad niya sa akin. "So. . . what do you want to say?" I asked, confused. "We would like to feature you in our DCS Magazine. I think you will be an inspiration to those who are going to read our magazine. We also would like to interview you and will write it to the magazine and a photoshoot

