Chapter 13: Girlfriend. Nagkatinginan kaming lahat matapos iyong insidenteng napatili na lang bigla si Elton. "Oh gosh, do you think he's bisexual?" takang tanong ni Chelsea. Napahalukipkip na lamang ako dahil sa tanong na iyon. Wala nang sumagot sa kanila dahil pinatahimik sila ni Fourth dahil parating na si Elton. Bakit ang insensitive nila? Nandito ang girlfriend ni Elton, o! I mean yes, fake girlfriend ni Elton pero kahit na! Dapat maging sensitive naman sila sa topic na pag-uusapan nila lalo na at nandito ako. "Kailangan kong magbanyo, natapunan ako ng juice," ani Elton pagkatapos ay inilapag na ang lunch namin sa lamesa. Tumayo ako, gusto kong sumama sa kaniya dahil mga walanghiya ang barkada namin! "Sama ako," sabi ko. Nagtinginan ang lahat sa amin, including Rica and Tiarr

