Chapter 43: Can't Believe. Hindi ako makatulog. Kahit pa pagod ang katawan ko dahil sa byahe at sa biglaang pagpunta ko sa hospital kanina. Ilang beses na akong nagpagulong-gulong sa malambot na kama nitong guest room ni Renzo pero wala pa rin talaga. Ang dami ko kasing iniisip. Ang daming bagay ang bumabagabag sa isipan ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang inasta ni Tiarra sa akin kanina. Para bang may alam siya tungkol kay Renzo na hindi ko alam, na ayaw niyang sabihin sa akin. The way Elton looked at me din kanina, para bang nasasaktan siya. Kung hindi niya ako minahal, bakit ganoon siya kung umasta? Tama ba ang pinaniniwalaan ko na hindi niya ako minahal o tama ang mga sinabi sa akin ni Tiarra? May karapatan nga ba talagang magselos si Renzo sa kaniya because Elton sti

