CHAPTER 47: Closure. Hindi ako mapakali habang hinihintay ko ang sagot ng secretary ni Elton. Ilang minuto na rin akong nasa labas ng opisina niya pero hindi pa rin lumalabas ang secretary niyang nagsabi na itatanong niya muna kay Elton kung papapasukin ako. I don't know what's taking him so long to answer but it's making me nervous, so much. Mayamaya pa'y lumabas na rin ang secretary niya, she smiled at me but I saw in her eyes na para bang pinagalitan pa siya ni Elton bago siya lumabas. "You can go in na raw po, ma'am," she said. Nakahinga ako nang maluwag at kaagad na napatango. Pumasok ako sa loob ng opisina niya and I quickly noticed the glass plate in front of his desk—Elton Mckevin Silvestre, director. "What are you doing here?" he asked in a cold way. Napakurap ako. Hindi ko

