"Mommy!" mula sa loob ng kotse. Nakababa ang bintana habang kumakaway mula roon si Hope. Napangiti ako ng makitang ang lapad ng ngiti nito. Abot tenga, ganoon din ang ama. Kumaway sakin. "Ayan ba anak mo?" tanong kaagad ni Vivian sakin. "Oo, ang kulit niyan." sagot ko habang nakangiti. "Ang ganda nga at ang cute. Lalo na yung ama oh! Ngiting-ngiti. Sana all na lang muna ako sa 'yo, Loren." "Makakahanap ka rin. Hindi pa ngayon. Tara!" Hinawakan ko ang kamay ni Vivian tsaka hinila ito palapit sa kinaroroonan ng aking mag-ama. Lumabas si Haden mula sa kaniyang kotse. Pinagbuksan nito si Hope. "Mommy, maraming pinamili si Daddy para sa 'yo." sigaw ni Hope na kaagad naman tinakpan ni Haden ang bibig ng aming anak. Napangiti na lamang ako. Ano na naman kaya yung mga pinamili ni Hade