Loren's POV Muntikan na nga akong ma-late. Alas otso kasi dapat nandito na ako sa hospital. Buti na lang nakaabot pa ako. Limang minuto na lang bago mag-alas otso. Nagtanong kaagad ako sa front desk. Itinuro naman ng nasa nurse station kung saan ako dapat na pumunta. Pagpasok ko ay nagsisimula na mag-discuss ang isang nurse. "Bago ka ba?" nang makalapit ako sa isang babae ay iyon kaagad ang tanong nito. "Oo, ikaw?" "Bago lang din. Lahat tayo rito mga bago. Yung nagsasalita lang yung hindi. Pinapaliwanag niya lang kung ano ang dapat at hindi sa hospital na ito." paliwanag nito. Mukhang ako lang ang nahuli sa first day. Nakakahiya. "Bawal ang magkaroon ng boyfriend dito sa loob ng hospital. Kapag nagkaroon kayo ng boyfriend hindi kayo makakapag-focus sa pasyente. Maaaring magla