Kinaumagahan, Paggising ko wala na sa tabi ko si Haden. Mabuti na lang at hindi pa gising si Hope. Dahil kung nasilayan niya ako rito natutulog sa sahig ay baka kung ano na naman ang itatanong ng batang iyon. Sinulyapan ko ang mga damit kong nagkalat sa sahig. Parang may bagyong dumaan rito sa loob ng kwarto. Nagmadali akong tumayo para iligpit ang mga kalat. Tinupi ko na lang ulit ang mga damit ko. Maging ang mga damit ni Hope ay nadamay. Habang nagtutupi ako ay hindi ko mapigilan na mag-isip. Bumabalik sa isip ko ang nangyari kagabi. Nakakalakad na si Haden. Alaala na lang niya ang hindi pa bumabalik. Napapailing na lang ako. Naiisip ko kasi kung bakit ako bumigay kaagad sa kaniya kagabi. "Mommy?" Napalingon ako sa kinaroroonan ng anak ko. Nakatayo ito sa may banda ng kaliw