Loren's POV Hindi ako interesado pero naging palaisipan sakin kung sino ba talaga ang pasyente na pinagkakaguluhan nila. Habang naglalakad ako sa pasilyo para pumunta sa ward ay bigla naman may tumawag sakin. "Ms. Dickson!" Napalingon kaagad ako. Nasilayan ko ang aming pinaka-leader. Si Ms. Gripin. Naglakad ito palapit sakin. "Bakit po, Ms. Gripin?" tanong ko kaagad sa kaniya. "Puntahan mo ang deluxe room 55. Hindi pa siya nakukuhanan ng vital signs. Ikaw na ang iaasign ko sa room na 'yon dahil hindi ko alam kung sino ang dapat kong utusan sa mga nurses natin na nag-uunahan at nag-aagawan sa pasyente. Mukha naman hindi ka interesado sa pasyente kaya magagawa mo ng maayos ang iyong trabaho." "S-sige po, Ms. Gripin." Hindi naman na ito sumagot pa. Tiningnan niya lang ako tsak