Haden's POV "Wala akong makita na information about kay Jane, Mr. Dickson pero may nalaman akong information na alam kong ikagugulat mo sa babaeng pinapahanap mo sakin noon. Pero ngayon, nandito na siya sa Pilipinas." "Si Jamaica?" "Yes, Mr. Dickson." "Kaya hindi natin mahanap-hanap o hindi mahanap ng mga pulis si Ms. Perez dahil nagbago ito ng mukha. Five years ago, nagpabago ito ng mukha sa kakilala niyang doctor at pagkatapos maayos ang kaniyang mukha ay nagpasya ito na manirahan sa ibang bansa." mahabang sinabi ng aking PI. Si Jane kaagad ang naisip ko. Maaaring nagpanggap si Jamaica bilang si Jane. Iyon ang gusto kong malaman kaya napagpasyahan kong magpanggap. Kailangan kong hulihin si Jane. At habang ginagawa ko 'yon, kailangan muna umalis ng mag-ina ko sa bahay na ito. Par