Loren's POV "Nagawa mo na ba ang pinapagawa ko?" "Sino kausap mo?" nilapitan ko kaagad si Haden dahil sa narinig kong sabi niya sa kabilang linya. Dali-dali naman niyang ibinaba ang kaniyang phone at humarap sakin. Katatapos ko lang maligo dahil papasok na naman ako. Tanging tuwalya lang ang nakatakip sa katawan ko. Maaga rin nagising si Haden. Sumabay siya sa akin ng gising. Dahil meron daw siyang pupuntahan ngayon. Sa halip na makipag-bonding sa anak niya hindi niya nagagawa dahil panay ang alis niya. "Wala, halika nga dito." Sinilip niya si Hope. "Tulog pa si Hope, tara muna sa bed." pilyong sabi nito sakin sabay amoy ng leeg ko. "Ang bango ng asawa ko." "Ma-le-late ako. Ano ka ba, Haden." natatawang sabi ko. Ngunit ang boses ko nag-iba. Tila ba ang landi ng pagkasabi ko. "